Ang 2024 Total Solar Eclipse
This page is a Tagalog version of #5123 (The 2024 Total Solar Eclipse).
Ang daan ng totality at bahagyang mga contour na tumatawid sa U.S. para sa total solar eclipse ng 2024 na magaganap sa Abril 8, 2024.
Inilalarawan ng mapang ito ang mga landas ng anino ng Buwan sa buong U.S. sa panahon ng total solar eclipse ng 2024. Sa Abril 8, 2024, may total solar eclipse na tatawid sa North at Central America na dahilan ng pagkakaroon ng landas ng totality. Sa panahon ng total solar eclipse, ganap na hinaharangan ng Buwan ang Araw habang dumadaan ito sa pagitan ng Araw at Lupa. Magdidilim ang langit na parang madaling araw o takipsilim, at maaaring makita ng mga nasa landas ng totality ang panlabas na atmospera ng Araw (ang korona) kung maganda ang panahon.
Paggawa ng Mapa
Gumagamit ang mapa na ito ng mga dataset mula sa ilang misyon ng NASA. Ang data ng eclipse ay kinalkula ng visualizer na si Ernie Wright gamit ang impormasyon ng elevation mula sa SRTM, topograpiya ng buwan mula sa LRO, at posisyon ng mga planeta mula sa JPL DE421 ephemeris. Ginamit ng nangungunang visualizer, si Michala Garrison, ang larawan ng Lupa mula sa Blue Marble Next Generation ng NASA para makagawa ng mapa ng daanan. Gayundin, ginamit ang larawan ng Lupa sa gabi mula sa Black Marble ng NASA sa daanan ng 2024 total solar eclipse.Pagbabasa ng Mapa
Ang madilim na daan sa buong mapa ay ang pinakamalaking bahagi ng Araw na matatakpan ng Buwan. Ang mga tao sa landas na ito ay makakaranas ng total solar eclipse. Sa loob ng daan ng dark eclipse ay may mga hindi magkakapantay na oval na naglalarawan sa anino ng Buwan sa ibabaw ng Lupa. Para sa total solar eclipse, ang mga oval ay tinatawag na umbra at gumagawa ng landas ng totality. Sa mapa, ang mga oval ay may mga oras sa loob na katulad ng hugis ng anino ng Buwan sa oras na iyon sa panahon ng eclipse.Nasa loob din ng madilim na daan ang mga contour ng tagal nito. Ang mga ito ay naglalarawan ng tagal ng totality. Kapag mas malapit sa gitna ng daan ng solar eclipse, mas matagal ito. Para sa kabuoang daan, umaabot ng hanggang 4 na minuto ang tagal.
Sa labas ng daan ng eclipse, ipinapakita ng mapa ang mga contour ng obscuration, o porsyento ng bahagi ng Araw na natatakpan ng Buwan. Maaaring masubaybayan ng mga mambabasa ang mga linya hanggang sa mga porsyentong nakalimbag sa lahat ng panig ng mapa mula 95% hanggang 10% obscuration. Ang madilim na daan magsisimula kapag nagsimula ang 100% obscuration.
I-download ang Data ng Eclipse
2024 Total Solar Eclipse Data: 2024eclipse_shapefiles.zipAng .zip file sa itaas ay naglalaman ng sumusunod na file:
- center.shp Isang high-resolution polyline na tumutunton ng daan ng gitna ng anino. Limitado ang rehiyon.
- duration.shp Mga isocontour ng maximum na kabuoang tagal, na may pagitan na 30 segundo.
- ppath.shp shp "Penumbra path," mga contour ng maximum na bahagyang obscuration (bahagi ng Araw na natatakpan ng Buwan) sa 5% na pagitan.
- ppath01.shp "Penumbra path," mga contour ng maximum na bahagyang obscuration (bahagi ng Araw na natatakpan ng Buwan) sa 1% na pagitan.
- umbra_hi.shp Mataas na resolution na umbra polygons, na may 1-segundong pagitan. Limitado ang rehiyon.
- umbra_lo.shp Mataas na resolution na umbra polygons, na may 10-segundong pagitan. Pandaigdig.
- upath_hi.shp Mataas na resolution na hugis ng daan. Limitado ang rehiyon.
- upath_lo.shp Mababang resolution na hugis ng daan. Pandaigdig.
Iba Pang Bersyon ng Mapa
Kaparehong mapa na walang QR code.
Kaparehong mapa na walang text.
Mapa na walang lungsod.
Mapa na walang lungsod o text.
Credits
Please give credit for this item to:
NASA's Scientific Visualization Studio
-
Visualizers
- Michala Garrison (SSAI)
- Ernie Wright (USRA)
-
Technical support
- Laurence Schuler (ADNET Systems, Inc.)
- Ian Jones (ADNET Systems, Inc.)
Release date
This page was originally published on Tuesday, March 26, 2024.
This page was last updated on Sunday, January 12, 2025 at 10:59 PM EST.
Datasets used
-
[SRTM: SIR-C]
ID: 92 -
Blue Marble Land Cover [Terra and Aqua: MODIS]
ID: 510Credit: The Blue Marble data is courtesy of Reto Stockli (NASA/GSFC).
See all pages that use this dataset -
DEM (Digital Elevation Map) [LRO: LOLA]
ID: 653 -
DE421 (JPL DE421)
ID: 752Planetary ephemerides
This dataset can be found at: http://ssd.jpl.nasa.gov/?ephemerides#planets
See all pages that use this dataset -
SLDEM2015 (DIgital Elevation Model) [LRO/SELENE: LOLA/TC]
ID: 948A digital elevation model of the Moon derived from the Lunar Orbiter Laser Altimeter and the SELENE Terrain Camera. See the description in Icarus. The data is here.
See all pages that use this dataset -
Black Marble (Black Marble: Next Generation) [Suomi NPP: VIIRS]
ID: 1176Earth at night imagery
Credit: NASA Earth Observatory images by Joshua Stevens, using Suomi NPP VIIRS data from Miguel Román, NASA GSFC.
This dataset can be found at: https://visibleearth.nasa.gov/images/144898/earth-at-night-black-marble-2016-color-maps/144947l
See all pages that use this dataset
Note: While we identify the data sets used on this page, we do not store any further details, nor the data sets themselves on our site.